by Don
Dec. 29, 2009
Ang present: Ate Evie, Ate Gem, Ate Ellen, Camhille, Pamgee, Joe Mar, Gelky, Faye, ako at si Ann (ay wala pala sya, grounded kase,hehe. . better luck nxt time iha). Masaya kame kase meron tayong bagong member sa katauhan ni Lou. Ok sya, madali namin sya nakagaanan ng loob, kwela din sya at kita namin na talagang love din nya si bok.
Nagkita-kita kame sa gateway ng mga 7:30pm na yata. konting kwentuhan and then nagdecide kame na salubungin na lang si Faye sa may sakayan ng fx papuntang antipolo. pero along the way sa may bridge connecting gateway at ali mall e nakasalubong na namin si Faye (na naka corporate get up!). Nagulat na lang din kame na nandun din si tita! So sa gitna nung bridge kame nagkasalubong-salubong – parang tinadhana,haha.
So sabay-sabay na kame umalis at kasama na namin si tita, na galing din sa work, pa uwi sa kanila. Nag fx kame at infairness e kasya naman kame lahat,hehe. . along the way, nag kekwentuhan kame ni lou about kay bok at sabi nya na starstruck daw sya kay tita,hehe.
Hindi ko na alam what time kame dumating kina tita pero Full House na palabas sa t.v. e. nasa bahay din sina bonsai (na getting beautiful and slim ha) at syempre ang bibong si zeal.

Hindi na nag aksaya ng panahon ang mga noinois at nagprepare na para sa ihaw-ihaw party. Sina camhille at joe mar prinepare na yun iihawin. Nag dinner na din muna kame bago umakyat sa rooftop nina tita. Ako, inupakan ko yung food nina tita na kangkong at piniritong isda, nakakatakam e,hehe. . si lou may gift din pala kay tita.
After makakain, umakyat na kame sa rooftop at sinet up na yung grill nina tita (isang electronic at isang de uling). Inakyat din yung ibang food at inilabas ni tita yung mga folding chairs ni bok. Ayun, grill-grill ang mga lola, Sali’t salitan sina camhille, ate gem, joe mar at ate ellen sa pag iihaw at ako naman sa paghihiwa ng mga nagrill na nila. Nag labas din si tita ng rice wine na infairness nagustuhan namin nina ate gem at ate ellen. Pero si joe mar yata ang nagenjoy at halos naubos yata nya yung isang bote,haha.
So ayun, start na ng kwentuhan. Syempre bumabangka lola evie natin. Dami din trivia nina tita at bonsai about kay bok na ngayon lang namin nalaman. Si ate evie, pinakwento kay tita yung audition days ni bok. Si bonsai nagkwento about sa mga moments nila ni bok at kung ganu natutuwa si bok kay zeal. Dala din ni bonsai laptop nya at may pinakita din sya samin na picture na karga ni bok si zeal. Pero ang nakakatawa talaga ay ang mga “senior moment” ni ate evie,haha. ..
sensya na ate evie ha, ikaw napagdiskitahan namin, ok lang yung, nageenjoy din naman sina tita at bonsai. Tumitingin din kame sa kalangitan at hinahanap yung star ni bok. Nalocate namin yung constellation kung nasan yung star ni bok, pero yung mismong star ang hirap makita.
Talagang walang tulugan! Yung iba hindi natiis at umiglip sandali (si ate ellen,hehe. . ) pero kame at yung iba, kahit gumagaral-gal na boses e tumatalon talon na lang para magising. Pati sina tita at bonsai, nag stay up talaga. Pero si bonsai hindi na din kinaya at nag goodnyt na samin (mga 3 am na yata yun). Talagang kwentuhan lang ang ginawa namin lahat, parang walang katapusan,hehe. . si lou nag open up din about sa mga naramdaman nya nung nawala si bok kay tita. Grieving in silence daw sya kase wala syang mapagkwentuhan.
Mga 4:30am, nagdecide kame na magligpit na para makauwi na ng 5:00am. Dumating din pala sina tito mito at ate leah pero umalis din sila agad, galing pa yata sila . So 5am umuwi na kame. Akala ko sa labas lang ng subdivision nina tita kame ihahatid ni tita pero sa bayan pala ng antipolo. Tapos from there sumakay na kame fx pa cubao. Nag bye-bye na din kame kay tita at nagthank you sa time na binigay nya samin.
Ayun ang kabuuan ng pagoover night namin kina tita. Nakakatuwa kase pumayag si tita at talagang inaccomodate kame. Feeling ko hindi na din tayo ibang tao kay tita at kay bonsai. At kahit si bok ang topic namin mag damag, nakita namin kay tita at kay bonsai na ok na sila ( si ate evie nalang yata ang hindi,haha. . joke lang ate evie).
So ayun, thank you sa pag basa and next time makasama din yung iba para mas masaya.
Sige ingatz noinois. . guide us angel bok!

If there is one quality that MARKY CIELO can be best remembered, it is his selflessness – his inherent desire to share his talents and blessings not only to his family and friends but to all the people he had the opportunity to meet in his short but fulfilling life. Needless to say, in one way or another, Marky had touched our lives. It is in this spirit that we, the TROPANG NOINOIS, are sustaining the legacy of Marky Cielo through our various charity works. We believe that sharing what we have is more important than what we have for an unshared life is not living.
January 1st, 2010 at 01:31
Thank you po kina Tita Mildred at Bonsai sa pag-welcome [ulit] sa TN sa bahay nila, at sa pakikipagpuyatan at pakikipagkwentuhan! (=
TN and Tita Mildred & family, sana maging masaya tayo sa buong 2010. =D
January 1st, 2010 at 01:37
Ate Gem, pakopya po ng pics from your cam.. Kung pwede po, ipopost ko sa multiply account ko, ikecredit ko na lang po kayo. Thanks po. (=
January 1st, 2010 at 02:07
Faye, no problem.
Okay na ba yung naka-post sa thread?
Or you want me to send it sa email mo?
January 1st, 2010 at 18:26
Uuy! sarap na kainan der sa antipolo…
sayang wala ako…
Ganun?
ehehehe.
Pwede po magtanung?
sino po si Zeal?
At, nu pong constellation si kuya Angel Bok?:)
January 1st, 2010 at 23:28
Ate Gem, okay na po yung nasa thread, lalagyan ko na lang ng watermark na Tropang Noinois or itong site natin. Thank you po. (=
Happy 2010 ulit sa lahat!
January 2nd, 2010 at 19:26
helllllllllooooo ..
at nandito na pala yung happening natin sa antipolo last dec 29 ..
all in all .. masaya po yung bonding namin kahit maraming wala ..
pero 10 pa rin kaming nakapunta ..
at naging moment yun nila tita at bonsai na magkwento about Marky ..
na talagang humahagalpak kami sa kakatawa .. kasi with feelings din talaga
magkwento si tita .. hehe.
January 2nd, 2010 at 19:32
hi jonathan ..
si zeal po yung baby niece ni marky ..
anak ni bonsai .. sis ni marky ..
nakakatuwa si zeal may mga moment
na para siyang si marky nung maliit …
sobrang love ni marky si zeal ..
kinakarga nya yun bago matulog ..
at kinikiliti .. kasi tuwang tuwang
si marky pag tumatawa si zeal ..
January 2nd, 2010 at 21:09
hello..naka pag comment din dito wahaha
saya nung 29 ^^
di nakakapuyat pag kwentuhan si kuya bok..hehehe
next time ulit..bonding bonding..
mag iingay na din ako..ahahaha…
January 3rd, 2010 at 18:01
ahh… ok.

tnx ate evie.
hay… ngaun ko lan nalaman.
hehehe.
magandang gabi mga Tropa.
January 4th, 2010 at 11:03
Sayang di ako nakasama dito due to urgency of my work & i was really so sad na habang andun kayo nagsasaya nasa office pa ko wah….naiinggit talga ako pero wlang magawa…Pero sabi nga ni Ate Gem mrmi png chance na makasama sa bonding at good news dhil aakyat pala ulit sa Bauko…Miz you all TN, Happy New Year…Ate Lou welcome sayang di kita nmeet! LOVE YOU ALL!
January 7th, 2010 at 00:35
ngayon ko lang nabasa itong blog ko about sa overnyt natin kina tita dito sa site. nakakatuwa, tumugma yung pics dun sa blog,haha. . . .
January 7th, 2010 at 10:42
ang saya ng bonding na ito…salamat sa blog Don… katuwa nga kase nag match ung mga pics….galing talaga ni ate gem….,”)
sa december po uli…promise hindi na ko iidlip…hehehe