by Don
good morning noinois. . . ayun, ako pala ang naatasang magblog, hindi ako aware,haha. .
ayun, ang present sa meeting yung mga binaggit ni ann (ate ellen, camhille, kuya Alex, si aling Trining, Faye, Pamgee, Manny, Joemar and ann).
dun muna kame nagkita-kita lahat sa Heaven and Egg sa tapat ng star ni bok (syempre bigat pugay muna kay bok,hehe. .). since 1PM meeting time namin, napag desisyunan namin na maglunch muna. pero hindi sa heaven and egg, sa KFC (mahal kaya sa heaven and egg,haha. . ).
so ayun, lipat kame KFC at dun na na kame nagkamustahan at nagmeeting (kahit mahina aircon – nagtitipid yata ang KFC na yun!). hindi na nakapunta si tita kase galing daw sya sa work nun at dami nyang dalang papeles at laptop, regards na lang daw sa mga noinois. )
syempre kulitan muna, update sa mga buhay-buhay ng mga noinois (tagal din kaya ng last meeting natin), sa mga pinagkakaabalahan, sa trabaho. . halos lahat na yata,haha. . .pero syempre, yung mga balak gawin ng mga noinois for this year hindi namin nakalimutan pagusapan. so eto na yung mga napagusapan sa meeting. . .
A. Bauko trip (for Bok’s bday):
Bale, ang aakyat na lang sa bauko to celebrate bok’s bday ay ako, ate evie, lou (na nagexpress na sasama sa bauko) at kuya alex. yung details ng pagakyat e paguusapan nalang muna namin tapos ipopost namin dito sa thread at sa site para kung meron pa gusto sumama e mainform kame.
B. Charity event ng Special guest artist sa charity ng noinois last
December:
Bale si manny na siguro magiinform dun sa special artist kung saan gaganapin yung charity nya. dun daw sa parish ng uncle nya na monsignor (tama ba spelling,hehe. . ). most probably June 12 gaganapin yung charity. ate ellen will provide some goods tapos tayo magdodonate ng mga notebooks, pencils, and other educational materials. last week of May magmimeeting ulit for the finalization ng charity ni special artist (sana madami makapunta).
C. Inaguration of Bok’s room
Remember Trichet? yung charitable institution na tinulungan natin lat dec. 2008 kung saan nalaman natin na bok had passed away? bale lilipat na sila ng location (hindi ko lang matandaan kung saan, saan nga ba ulit manny?). dun sa bago nilang place, they will dedicate 1 room to marky at ipapangalan sa kanya (taray diba?hehe. . ). supposedly this August yung inaguration ng new place ng Tricher pero na move daw ito on October. we are all expected to come ang witness this event. sinu makakapagsabi na magkakaroon si bok ng room na ipapangalan sa kanya, tapos may stars pa sya sa heaven at sa earth,hehe. . . this is because madaming talaga nagmamahal kay bok at nakakaalala ng kabutihan nya at mapagkumbabang kalooban. . .we’re proud of you bok. . .
D. Noinois Charity on December 2010:
Para maiba naman, manny thought na this time e mangaroling naman daw tayo, pero instead na tayo ang bibigyan, tayo ang magbibigay sa mga kakarolingan natin (o diba, brilliant,haha. . ). ang mga kakarolingan natin e yung mga bahay ng mga batang inaalagan ng Trichet. makikipag coordinate nalang tayo kay Sister dun sa mga bahay nila. wala pa gaanung napaguusapan about this, pero siguro bandang october o november e ifa-finalize na natin eto. exciting itong charity natin this year, ihandan na yung mga golden voices nyo,haha. . .
so eto yung mga napagusapan sa meeting ng mga noinois, dami nating activities no,hehe.. . . etong mga activities natin naman talaga ang magpapastrengthen ng bond natin mga noinois, na kahit we all have our differences, we still find time to do these things dahil ito naman talaga ang essence ng ating group. time will tell kung hanggang kaylan natin gagawin ito or kung hanggang kaylan yung grupo natin. pero for now, enjoy natin yung company ng isa’t-isa and continue lang natin yung nakasanayan na natin gawin for the past 4 or 5 years.
ayun, after namin magmeeting nagikot-ikot muna kame sa eastwood (sosyal kame e, bakit ba,haha. . ). syempre,bago kame tuluyan umalis, dumaan muna kame sa star ni bok at nagpapicture, pero puro paala lang namin,hehe. . nakanino ba yung pic na yun, papost naman.
o sya, kung may nakalimutan ako,paki dagdag nalang. ingatz kayong lahat noinois. .
guide us angel bok!

If there is one quality that MARKY CIELO can be best remembered, it is his selflessness – his inherent desire to share his talents and blessings not only to his family and friends but to all the people he had the opportunity to meet in his short but fulfilling life. Needless to say, in one way or another, Marky had touched our lives. It is in this spirit that we, the TROPANG NOINOIS, are sustaining the legacy of Marky Cielo through our various charity works. We believe that sharing what we have is more important than what we have for an unshared life is not living.
April 27th, 2010 at 16:56
thanks for the update.. so sorry, hindi na nakaabot. naku kakaunti lang pala tayong aakyat sa bauko. pero natuwa naman ako sa Marky’s Room.. ganyan talaga kapag mabait at mapagmahal kang tao.. ika nga, love is how you stay alive even after you’re gone
April 28th, 2010 at 18:46
Sorry di ako nakadating sa meeting nyo. sayang nga kasi sana maaga ako natapos sa pinapagawa sa akin kaya lang ang dami din bibitbitin. Sana magkita kita tayo sa may 12.
Ngayon lang ulit ako nasilip dito. tinitig nan ko lahat ng pictures at basa ko mga blog nyo. nakakamiss din na wala si boknoy. sana marami pa tayong mapapag-usapan dito. sana yung mga nakakakita sa panaginip makunan nila ng picture no? kung pwede lang no?
Mabuti nandyan parin si aling trining. Organize kayo ulit minsan sa antipolo para mas marami makarating.
Miss ko kayong lahat.
Tita
April 28th, 2010 at 19:14
,,, hellow po ,,,tita mildred,,,he3x,,,sori po ah tinawag q na kayo tita d pa aman tayo magkakilala,,,
gusto q lng po iparating n I really mizz idol marky,,,sana nabigyan aq ng chance n makita sya noon,,,
guz2 q po sana pumunta jn sa May 12,,,sav rn nman ng tropang noinois oks lng na sumabay aq eh,,,kaso ala na aq budget para sa pamasahe kaya next tym na lng aq punta,,,
gus2 q rin makilala ang family ni idol eh,,, ahmmm,,,actually napapanaginipan q dn po sya twice a week,,,at palagi sya masaya sa mga panaginip q,,,parang walang problema,,,sana and2 pa sya noh…
sige po tnx,,,& God bless!
April 29th, 2010 at 21:36
hi tita, thanks po sa pag visit. lahat naman po ng memories kay bok, maprepreserve po natin dito. atleast meron po tayong mababalikan na mga pictures nya at mgaa experiences natin with him. again, thanks for visiting po. . ..
April 29th, 2010 at 23:48
hello tita.. sorry kung di ako makakarating sa bauko sa may 12.. mahirap talaga eh..
nag iisa lang sa bahay eh hehehehehee…. o meeting daw ulit.. may 30 doon naman sa bahay nila tita.. tiyak maraming pupunta.. tsuk…
April 30th, 2010 at 00:18
hi everyone!
nakakamiss yung mga ibang wala sa meeting, mas masaya sana yun kung kumpleto or mas marami ang nakarating pero since TN ang magkakasama, WALANG DULL MOMENTS!
Tita hindi po kami makakaakyat ni Pamgee sa May 12 sa Bauko kasi po, hindi kami pinayagan dahil sa election pero bibisita po kami kay Boknoi sa ibang araw.
Ingat po sa lahat!
April 30th, 2010 at 00:44
hello po!
had fun last sunday. ^^
pics here: http://kyyefayefamar.multiply.com/photos/album/60
ayun, sayang, hindi ako makakasabay sa noinois na mismong sa May 12 bibisita kay bok.
sa May 7-9 na lang po kami pupunta ng family ko, kasi dun ako mas pwede. ingat ingat na lang po tayo. (=
hello tita mildred, thanks for dropping by. (=
April 30th, 2010 at 07:06
hello noinoiz!!
sensya na hindi ako nakarating sa meeting. inasikaso ko ung palaisdaan kasi nagpaharvest.. hehehehe ayun may nahuli naman. text nyo ako kung kelan ung meeting sa haus ni tita papadala ako ng tilapia at sana may bangus na mahuli. pero rest assured na ung tilapia meron.. okay naman business thanks God.. at hindi nawash out lahat ng laman ng fishpen.
hello tita,
hindi din po ako makakapunta sa May12 kakasal ung pinsan ko sa May13 gahol sa ora. But i will definitely visit Boknoys Palace in June at forever na ang alaala ni Marky sa akin hindi na mawawala un kahit ano pa man.
have a nice weekend everyone… ingat ingat po!!
April 30th, 2010 at 11:57
Tita hello po.. sana mapicture-an namin ang mga panaginip kay bok. this week napanaginipan ko rin kayo ni bonsai and zeal. ingats po lagi.
May 1st, 2010 at 13:51
Hi po Tita Mildred.
May 3rd, 2010 at 10:30
hellllllllloooo ..
thank you donn .. sa update .
wow! dumaan si Tita at nag post din ..
nakakatuwa naman ..
May 7th, 2010 at 08:38
miss you guys…gusto ko sumama sa bauko…sinu kokontakin?….love you guys!
May 8th, 2010 at 18:26
Ayun…nasa pinas na ulit pala si Echo….eheem..eheemm.,…merong taya going to Bauko…Toinkz….
May 12th, 2010 at 05:42
Hello!
Thanks sa update Don, buti ka pa pupunta Bauko, nakakamiss kayong lahat lalo na si Bok. Tsaka nakakatuwa naman yung Trichet magdededicate ng one room named after Marky, sweet. And the caroling thing, that was a great idea sayang sana makasama ko! Di bale paguwi ko dyan mga after 2 years hahaha.
Hi Tita Mildred!! kumusta po? =)
Sige ingat kayong lahat, I miss you all.
Ces