Joey & The Desperadas

28 May 2009 In: TN Posts

Bravo…. Wala pang practice yan.

Yan ang Despradas ng TN plus Joey.

Written by Le donne

Again, maaga ulti nagsigising ang mga noinois, 7 am kase ang expected time of departure naming from bauko to baguio, pero 8 am na kame nakaalis sa hotel. 3 vans ang nirentahan naming, isang van para sa family ni ate joey at 2 sa noinois (syempre magkakasama ang mga Ms. Baguio Earth candidates,haha. . w/ sam the driver,ehemm, manny!). Before we left bauko, syempre dumaan muna kame kina tita mildred to say goodbye. Ayun, nagbye-bye din kame kay marky dahil for sure matagal ulit bago kame makabalik. Pero bago umalis, as usual, picture taking ulit . . (walaaaaang kasawa-sawa talaga,hahah. . ) . ang hirap umalis kase talagang mamimiss naming ang bauko at ang grotto ni marky, pero ang nagpatagal talaga e si ate evie (o ate evie, wag na umapela!haha. . ). Hindi kase matapos-tapos ang chikahan nya kay tita,haha. .  .

So goodbye na bauko, we left marky’s homeland around 9am at nagstart na ulit kame magtravel pababa ng baguio (buti nalang walang nasuka,hehe. . ). We arrived at baguio mga 11am na siguro. Dumaan muna kame sa strawberry farm, pero since walang pedeng iharvest na strawberry, namili nalang kame ng pasalubong dun sa mga tindahan sa gilid. grabe, todo shopping ang mga noinois,haha. . may bumili ng gulay, walis, sweets, kumot,etc. . . .  pumunta din pala si oskie dun sa strawberry farm, noinoi sya na baguio chapter, hi oskie, nice to see you again. Actually meron pang isang baguio noinoi kase nasa davao daw sya at that time.

From the strawberry farm, nagdecide ang lahat to go to session rd to have lunch. Eto na din ang last time na kumpleto ang mga noinois dahil after having lunch, naghiwa-hiwalay na kame, some went to victory liner to buy tickets while some stayed in baguio for another day (kame ng mga desperadas iyun,hehe. . ) .

So, yun ang kabuuan ng trip ng mga noinois sa bauko. Pwede kong i-sum up yung aming bauko experience into three:

First, it was a very fulfilling and a humbling experience for us since na conduct namin yung charity na so far e ang pinaka malaki at well organized. Nothing beats the feeling of having to share what you have to those who have less. Thank you for all those who have donated.

Second, the special bonding the Noinois had with each other. Talagang masaya kasama ang mga noinois. No dull moment. At hindi kame puro tawanan lang, may sense din kame.  I, for one, am very proud of this group. Walang pasaway, lahat gumagalaw to make the charity successful. Lahat may naiambag. Lahat nag eeffort. And like what I said during the bonding time, madaming nawala, pero madami din nadagdag, hindi natin alam kung hanggang kaylan tayo magsasama-sama, pero wag muna natin isipin yun, ang mahalaga masaya tayo kasama ang isa’t-isa ngayon.

And third, the noinois really love Marky. We all miss him, but were sure he is happy where he is. And because of that, we are all happy narin. When marky left us, nagkaroon ng uncertainty among us. Panu na tayo ngayun? I remembered yung text ni marky sakin before na ang gusto nya, yung credit pag nagcha-charity ang mga noinois ay mapunta satin, hindi sa kanya since part lang sya ng grupo. Gusto nya kahit hindi na natin sya suportahan e ipagpapatuloy parin natin ito since tayong mga noinois, according to him, have a heart for service. . . Marky, we hope we make you proud because you made us proud of the things you have imparted among us. Hindi ganito ang mga noinois kung hindi dahil sa mga kabutihan na ipinamalas mo. we are continuing your legacy of kindness and modesty. You will always be in our hearts, as well as you family.

So ayan po yung mga nangyari sa bauko trip ng mga noinois base sa mga naaalala ko. Kung may namiss ako na event, paki lagay nalang. Thank you sa mga nagbasa. ‘till the next charity project natin. Love you all. God bless!

Written by Le donne

Maaga nagsigising ang mga noinois to prepare for the main thing na produkto ng ilang buwan na pag plaplano.  Ni load namin yung mga bags , books and other stuffs dun sa van ni steff (thanks steff) since hindi naming kakayanin magmanhik-manaog from the hotel to the covered court (kapagod yun ha, baka lumawit dila namin,hhaha.  .)

So ayun, nung nasa covered court na lahat ng noinois, nagstart na i-organize ang mga bata base dun sa grade level nila. May mga i.d.’s din sila ha courtesy of ate gem naman,hehe.. . (ayoko okrayin si ate gem, love ko yan e,hehe. . .). After all the things were set upped na, nag start na yung charity project ng mga noinois. Nag opening prayer si mrs. camhille cadaweng, este pagsanjan pala,haha. .  .after ng prayer, nagbigay ng welcome remarks yung isang teacher from the school na sinuportahan natin. After that, tinawag na si tita para magbigay ng opening message. Alam nyo ba na from the covered court, tanaw yung grotto ni marky kaya feeling namin nakatingin sya samin,hahaha

After tita gave her opening message, nagstart na ang mga games. Daming games na naisip si manny na ikina enjoy naman ng lahat ng mga bata. Pati yung mga nanonood lang, nakikisaya kase isinama nadin sila. Yun nga lang, nawalan ng kuryente yung covered court. Pero hindi parin nagpatigil si manny at ayun, binigyan ng megaphone (wow sosyal, gusto ko din makagamit nun someday,haha. .  .).  maliban sa games ay nagkaroon din ng turn over ng mga books sa school courtesy of ate gem ulit. Under ng special project of the Ateneo de Manila University for the school around the country .

Then came the portion in the Charity na kaylang si ate joey para ipresent kay tita yung star na nakapangalan kay marky. Again, this was one of the emotional part ng trip to bauko ng mga noinois. Naiiyak ulit si ate joey nung inirerelay nya kung bakit yung star na yun ang napili nya. Sabi nya visible daw kase sa norte yung constellation kung nasaan yung star ni bok. While ate joey was explaining how she ended up loving marky, may mga noinois din na naiyak. . uyy. . aminin,haha. . .  when it was tita’s turn to have a speech after receiving the certificate, sabi nya para daw syang ‘pulis pangkalawakan’,haha. . . pero at the same time parang hindi na din daw nya kilala si bok kase star na pala sya ngaun,hehe. . . lubos-lubos ang kaligayahan ni tita na malaman na isang bituin na si bok. . . we can also see na tita was holding back her tears, siguro na overwhelmed sya at baka namimiss na din nya si bok

After that portion, pinamigay na yung mga bags na talagang pinack ng mga noinois. . . ang cute tignan nung mga bata na suot-suot yung mga bags na may tatak na ‘tropang noinoi’, ang colorful tignan,hehe. . ..nagpakuha din ng picture ang mga bata kay tita at steff (salamat sa time po) na suot-suot yung bag, . .  oo nga pala, salamat po sa mga nagdonate like sina iwa at mam aiza.. Sa mga international noinois na nagpadala ng monetary assistance, kay ate ellen na may pabrika naman yata ng chicherya,haha. . ..  sa sobrang dami ng giveaways, hindi na nmin alam kung kanino ibibigay  pa,hahha…

And to end the charity project, tinawag si tito Bobby (father ni marky) to give some parting words.

After ma idistribute yung pagkain, tsaka lang officially nag end yung charity.  Pero hindi pa dun nagtapos. Pinuntahan naming yung school kung saan nagaaral yung mga bata na tinulungan natin.  Trinansfer naming dun yung mga books at computer.

After that, tska lang kame bumalik sa hotel to eat luch (1:30 pm na nakabalik hotel at 2:30pm naman kame nakapaglunch, naguguluhan yung staff ng hotel sa dami namin at nagdodoble-doble yung orders, yung iba naman ang tagal iserve nung inorder nila,haha. .  .) Grabe, pagod na pagod ang mga noinois, pero sulit naman,hehe. . . nagpahinga muna kame to prepare naman for the Noinoi bonding sa gabi. . masaya ito,haha. . . After resting, we took our dinner around 8pm.

Ok, so bonding time na ng mga noinois. . .  dun kame nagtipon-tipon sa lobby ng hotel, may videoke kase dun at sound system. Ang hosts ay sina manny at echo kaya for sure may okrayan ever dyan,haah. . . Yun nga lang hindi na tuluyan nakapag concert si echo kase hindi daw maganda yung sounds kaya nagpa games nalang for the noinois. Unang game was yung gagayahin yung sayaw ni echo in the tune of ‘single ladies’ at kame nina ces, gelo at ate wenz ang kasali. Dun palang riot na,hahaha. . .. ay, oo nga pala, kasama din sa bonding sina tito mito, ate lea, herbie (bf ni camhille), jeric (long distance relationship ni ann,haha.  .), jaysan, kuya sandy, ate michelle, jessa, mikol, jaja, enya, kurt, at yung isang girl na 2nd cousing ni bok (tnx camz sa pagbibigay ng names nila sakin,hehe.  .. ). Hindi nakapunta sina tita mildred kase may binabantayan sya.

Back dun sa bonnding. Next games ay yung pick a song. Bubunot yung napiling noinoi ng kakantahin nya na pre-selected na, kaya wala silang idea kung anu yung kakantahin nila. Ang nakakatuwa pa dun e yung 1st three singers ay sina tito mito, ate lea at si herbie (nagkataon lang daw yun sabi nina manny, pero nakakaaliw,haha.  .). pero game din sila, hindi sila kill joy (thanks tito mito sa pakikirumble samin,hehe. . .). after nila, ayun ang mga noinois na, at infairness, walang kill joy, lahat ok lang ma okray nina manny at echo,haha. . .

Pero ang highlights talaga ng noinoi bonding ay ang mga unexpected dance number at mala beauty pageant na ginawa ng mga Ms. Baguio Earth candidates / Desperadas. Talagang halakhakan to the max ang mga noinois, siguro umalingawngaw yung tawanan naming hanggang dun sa mga bundok sa cordillera,hahaha.  .(ang oa!). dun sa beauty pageant, nagpakilala ang mga candidates w/ their motto: sina Ms. Pine tree (manny), Ms. Strawberry (echo), Ms. Broccoli (don) , Ms. Crysrtal Cave (jon) at si Ms. Hanging Coffin (Richard). Basta riot talaga,haha. . .  dun naman sa dance number, while ate joey was singing ‘together again’ by janet Jackson, nagsilbing back up dancers ang mga desperadas (ang galing, walang rehearse-rehearsal!),haha. .  madami pang nangyarin katatawanan, iba talaga pag nagsama-sama ang mga noinois.

After the games, ayun, nagfinal message na ang mga noinois. May ilang noinois na nagsalita (medyo madrama, pero keri lang. . ) . humingi din kame ng message kay tito mito since sya yung pinaka malapit na relative ni marky na present sa bonding naming (yun nga lang may biglang sumingit na eksena kaya napatawa ulit kame although pinigilan namin kase nagsasalita na si tito mito. . sinu ba naman kase gumawa nun,haha. . ). Madami syang sinabi, pero isa sa tumatak sakin yung sinabi nya na lubos-lubos ang pasasalamat nya sa noinois, sabay nuwestra ng kamay na lagpas sa ulo nya. Ang galing din magsalita ni tito mito, thanks tito. . .

At dun na nagtapos ang bonding ng noinois na nag end around 12 narin. Pero before kame bumalik sa rooms naming, nagmiting muna kame about sa paguwi namin kinabukasan at kung magkano yung sharing naming sa bills sa hotel. End of day 2.  (to be continued…)

Written by Le donne

Start na ang day 1 ng baguio-bauko experience ng mga noinois. Dumating kame ng 4am sa Victory liner baguio terminal. Ang trip namin sa bauko is 7:30am, kaya habang naghahantay ay nagpalipas muna kame ng oras sa terminal. Ayun, yung iba kumain, yung iba namili sa souvenir shop, at syempre, pictutran ulit at kwentuhan,hehe. .  .

Mga 6am ay umalis na kame sa terminal to go to the bus terminal kung saan kame sasakay ng bus papunta bauko. Oo nga pala, the bus fare was courtesy of ate joey. Thanks ate joey, solong-solo natin yung bus,haha. . .

When we arrived dun sa terminal, wala pa yung bus. Wala pa din sina manny at jon kaya nag gala muna yung ibang noinois at napadpad sila sa jolibee para magbreakfast (anu bayan, kakakain lang sa ternimal ng victory liner, kumain ulit sa jolibee,haha. . . )

Nang bumalik kame sa bus terminal, nandun na yung bus at naisakay na din yung gamit naming. So sina manny, jon, at ate joey and party nalang hinihintay naming. Unang dumating sina ate joey at ilang minutes lang ay dumating na din sina manny at jon dala yung mga bags, giweaways and other stuffs. Nakakatuwa dahil lahat nagtulong-tulong para ma-iload lahat ng dala nila sa bus (at hindi biro yung bigat ng mga boxes at yung dami ng bags ha, may computer pa!)

After naming ma-iload sa bus yung mga kaylangan sa charity, umalis na kame patungo sa bauko around 8:30am.  Sa bus, ayun kulitan ulit at picture taking. Grabe yung trip from baguio to bauko, ilang bundok yata inikot namin at ilang bangin yun nasilayan namin. Pero ang sarap sa mata na makakita ng  mga malalaking bundok at yung palamig na palamig na simoy ng hangin. During the trip, nagkaroon kame ng isang stop over. . .at hulaan nyo ginawa namin . . syempre picture-picturan ulit,hahaha. . .

We arrived at bauko around 11:30pm. Nadaanan namin yung bahay at grotto ni marky. Yung ibang noinois. . ayun naluha ulit sa pamumuno ni ate wenz naman this time (ganda ng dialogue mo ‘te wenz,haha . . ) . hindi muna kame bumaba kina marky, tumuloy muna kame sa hotel para ibaba yung mga gamit naming at gamit para sa charity and to have lunch narin. Pero grabe sa tagal iserve yung orders naming, isang oras, super nagutom kame,hahaha. . .

While having our lunch,a yun kulitan at asaran ulit. kasama na naming si manny kaya wala kameng kawala sa pang ookray nya,pero sa isang tao sya tumutok . . . kay Richard,haha . . wawa naman. Masaya siguro si joemar kase hindi sya ang tampulan ng pangaasar ni manny,hahha. . .

Ayun, after having lunch, most of the noinois went to their rooms to rest (grabe kaya yung byahe naming, lagpas 10hrs from manila to baguio to bauko!). pero kame ni manny, echo and Richard went to marky’s place para kamustahin si tita mildred at kausapin na din sya about sa mga plans namin for the vigil, charity and bonding ng mga noinois. Malaki na din ang improvement sa grotto ni marky, ang ganda na at ang laki ng picture ni bok na naka frame pa. Nandun din yung lapida na pinagawa ni ate beng (thanks for that ate beng). Ang ganda ng final resting place ni marky talaga.

From marky’s place, tumuloy kame sa covered court to make a courtesy call sa brgy captain (sosyal diba, courtesy call talaga,haha. . . ). Dahil wala pa si chairman ay ikinabit muna naming yung mga tarps ni marky courtesy of ate wenz na may pabrika yata ng tarp,haha. . (wag matutulog sa ibabaw ng printer,haha. . joke lang ate wenz). Thanks kay herbie (anak ni tito mito at future husband ni camhille?) sa pagtulong samin sa pagkabit ng mga tarps. Dumating na din si brgy captain at nabrief na naming sila sa charity project na idadaos kinabukasan.

Ok, so fast forward na tayo sa vigil for marky cielo’s soul.  Pumunta kame kina tita mildred around 9pm. Grabe, naglakad lang kame from mt. Data hotel to marky’s place. Ang hirap maglakad kase taas baba yung kalsada tapos ang lamig pa, nakakahingal at parang puputok dibdib mo sa pagod,haha. . .pero iindahin ng mga noinois yun just to be with marky.

When we arrived at marky’s place, lahat ng noinois ay tumayo sa harap ng grotto ni marky and prayed silently. . most of them cannot control their feelings anymore and just let their tears run down from their eyes. Before them lays marky cielo, the artist they supported whole heartedly and loved as well. The noinois miss him, but they known he’s happy where he is.  That was also the moment when ate joey finally met the boy he didn’t know personally, but felt a special connection. Ate joey had her moment with him where she relayed to him all the things that are in her mind and heart, as well as the feelings of the other international noinois who supported and loved him, eventhough they are hundred of miles away.  That moment was further emotionally intensified by the singing of Echo of a song entitled “Photograph” by ariel rivera.  After a few minutes, nagstart na ang prayer vigil for marky cielo’s soul.  The noinois also prayed for the soul of marky’s lola, marcelina cadaweng, who passed away a few months after marky’s death.

After the vigil, may almost 2 hours to go before marky’s birthday. So while waiting, bumalik na naman ang kakulitan ng mga noinois at ayun, picture taking na naman,haha… Yung iba hindi mapakali, dun pa mismo malapit sa malaking picture ni bok ( ANG BERMUDA WAG TAPAKAN! MAGAGALIT SI LOLA EVIE,haha. . . ).  Meron din videoke sa place. At dahil singers ang mga noinois (ehemm. . . mio mio mio!), kantahan galore naman. Bumabangka sa videoke si echo (syempre,haha. . .). yung ibang noinois naman, nandun sa loob ng bahay at nakikinig sa mga kwento ni tita mildred about kay bok, mga trivia din yun para samin,hehe. . . oo nga pala, nandun na din si steff prescot who joined us during the vigil and waited narin for the clock to strike 12.

Ilang minutes before midnight, pinatugtog yung kantang ‘Simple lang’ ni ariel rivera na kinanta din ni marky during his birthday celebration sa SOP where tita mildred had a special participation. And since nandun na rin sa labas si tita, ibinagay sa kanya yung mic. She sang the song at lahat ng noinois ay nakisabay. I can say na isa din ito sa emotional moments sa trip naming sa bauko, seeing and hearing tita sing a song marky sang with her. Nakakatouch. . .

And it finally striked 12! HAPPY BIRTHDAY MARKY!!! HAPPY BIRTHDAY BOKNOI!!!. 21 na sya this year. . sabi nga ni manny, debut na nya, wala bang inuman,haha. . . the noinois and tita’s family sang happy birthday to him. After that, nagdecide narin kame bumalik as hotel to get some rest dahil tomorrow will be a big day. Nagpaalam na kame kay tita at sa family nya at naglakbay pabalik sa hotel (talagang naglakbay,hahah. . .). End of the 1st day.  (to be contined…)

Written by Le donne

Hello sa lahat. I’m Le donne of Marky Cielo’s forum thread at igma.tv and a member ng bonggang-bonggang Tropang Noinois’ at ako ang naatasan to blog the very successful charity project of the Tropang Noinois at Marky’s native home at Bauko, Mt. Province.

First of all, those who went to Bauko were:
Manny (Ms. Pine Tree), Jon (Ms. Crystal Cave), Don (Ms. Broccoli), Echo (Ms. Strawberry) and Richard (Ms. Hanging Coffin) – the Ms. Baguio Earth candidates.
Ate Evie, Ate Gem, Ate Ellen – the wise Noinois (hehe. . )
Becky, Ces, Wenz – the young working Noinois
Camhille, Pamgee, Gelo, Faye (the Cum Laude lang naman from U.P.) – the student noinois
Cherry (representative of ate beng), Gensvie & Carl (the sweethearts from Cebu), Mau (from the ‘Wish ko lang’ show) and Kuya Oliver (suri-maw) – the newbies
Aling flor – supporter ni marky
Ate Joey (together with her pamangkins) and his papable husband Andy – the International Noinois.
Ayan, if may nakalimutan ako, please paki banggit.

So saan ba ako magsisimula, dami kaseng nangyari sa 3 day stay namin sa Bauko. Let’s start with our departure from Manila to Baguio.

10 pm of May 10 is our call time at the Victory Liner at Cubao. And in fairness, walang na late, ayan maiwanan ng bus,haha. . . 11 pm is the time of our bus trip to Baguio. All of us are excited at medyo kinakabahan na din kase umuulan, baka delikado bumyahe. Pero we are all optimistic that we will have a safe trip, guardian angel yata namin si Marky.  Oo nga pala, si Manny and Jon went to Baguio earlier. 4 am ng May 10 sila nag gora pabaguio since may dalang kotse si Jon kung saan naka load yung mga bags, books, give aways, and other things na kakaylanganin sa charity project.  Sina Ate Joey and her party went straight ahead from Ilocos where they stayed.

So going back, around 10:30 nagpasakay na sa bus kung saan kame may ticket. Every one was excited at nagbibiruan pa. While inside the bus at naghihintay na umalis, ayun kwentu-kwentuhan, tawanan to the max at syempre.. . picturan galore! Ang dami ba naman may dala ng digicam samin,haha. . . yun nga lang, nawala yung digicam ni ate evie na ginagamit namin sa mga tapings and during SOP ni Marky. May sentimental value kay ate evie yun kase that was the 1st digicam na ginagamit namin to take pictures of Marky. Ok lang yan ate evie, bili ka nalang ng bago, este, may mga noinois naman na may digicam eh,hehe. . .

So again, while waiting for our bus to go, becky arrived. Hindi sya kasama sa list ni ate gem na nagbayad for the ticket since na sa Ilocos sya. Kaya bumili nalang sya ng ticket na pang 12midnight, pero we were hoping na pede sya maging chance passenger sa trip namin para kasama sya. While waiting again, nagtext si manny asking if kasama na naming si gensvie. I told him na hindi, e galing pa pala sya from Cebu and manny texted me again to say na nasa terminal na daw sya. So, pinababa ko sina faye and camhille (utusan daw ba,haha. . . ) to check if nandun na sila. Mahirap kase hindi naming alam itsura nila kaya sabi ko nalang sa kanila isigaw na lang nila name ni gensvie sa mga nasa labas ng bus,haha. . . na locate naman nila si gensvie kasama ang supportive bf nya na si Carl (ang sweeeet,hehe. . ) . pero meron pang isang nahagilap sina camhille at faye sa mga passengers. . . si Kuya Oliver! Yes noinois, totoong tao po sya, hindi sya kathang isip lang na nababasa natin sa thread!haha. . . joke lang kuya oliver. . .

Meron pa din palang isa pang contact si ate evie na sasama din sa bauko, si Mau na staff ng ‘Wish ko lang’ who was part of the episode were Mary guested.

Lahat sila, sina becky, gensvie and carl, kuya oliver and mau were waiting if they can also board our bus. At parang sinadya talaga, lahat sila nakasabay naming,yeheyyyy!

So off we go to baguio. We had 2 stop overs para makapag unat-unat, kumain, at syempre, magpicture taking,haha. . .Alam nyo sa totoo lang, may 3 hobby ang mga noinois pagnagkakasama-sama: 1st is magkulitan at asaran, 2nd magkwentuhan about kay marky, at 3rd magpicuture taking to the max. . walaaaang kasawa-sawa,haha. . .

We arrived at baguio city around 4am ng May 11. at this point, nagsisuotan na kame ng sweater and jackets because we can already feel the cold weather that baguio is know for (pero hindi namin inaasahan ang lamig na mararanasan namin sa bauko,hehe. . ).  At dahil May 11 na nung dumating kames a baguio, start na ng day 1.  (to be continued…)

tn-logo-small

If there is one quality that MARKY CIELO can be best remembered, it is his selflessness – his inherent desire to share his talents and blessings not only to his family and friends but to all the people he had the opportunity to meet in his short but fulfilling life.  Needless to say, in one way or another, Marky had touched our lives. It is in this spirit that we, the TROPANG NOINOIS, are sustaining the legacy of Marky Cielo through our various charity works.   We believe that sharing what we have is more important than what we have for an unshared life is not living.


August Celebrants

August 3 - Adrian (ADRIAN_BAGAYAN)

August 7 - Evie (evie)

August 8 - Noravil (abeljgt_tx)

August 9 - Dette (markyschic)

August 10- Dayanara(dayanara_cielo)

August 20 - Camille (tameng)

Tentative Schedule:

September - Caroling Practice
December - Charity Event

 

September 2010
S M T W T F S
« Aug    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Tropang Oras

horoscop 2009 free online movies horoscop 2010 | horoscop saptamanal | horoscop zilic | horoscop |

Get Adobe Flash player